Saturday, March 10, 2012

Job well done! (03/10/12)

Ang sarap lang sa pakiramdam! TAPOS NA DEFENSE. At feeling naman namin kahit hindi pa sinasabi yung result, pasado kami! Obvious naman sa comments ng panel at sa reaction ni Sir Dennis! Haaay grabe. Parang nabunutan ng tinik. :)))))))))

March 9, 2012
Defense ng 3B nun. Kami ng mga ka-group ko, halos ngarag pa sa paggawa ng kiosk namin. As in!! Ang dami pa!! Yung problema sa relay, pag-install ng printer, documents at syempre yung program pa talaga. Ang masama pa dun, hindi nagrereply yung adviser namin. Hindi rin nya sinasagot yung mga tawag namin. Kung sasagutin man, paputol-putol, iho-hold nya o kaya sasabihin, magtetext na lang sya. Grabe talaga! Halos naubusan na yata kami ng pag-asa. But still, I kept on telling myself na have faith. Habang tinatapos ko yung documents namin, syempre konting biruan, kwentuhan at harutan. Pampawala ng stress. Haha. Tapos patayu-tayo ako. Hindi nga ako mapakali e. Hanggang sa natapos na yung defense ng B. Syempre kailangan na rin namin umalis ng school. Bigla namang nakaisip kami ng paraan para sa problema namin sa printer. Whoo!! Palusot na lang sa limitation ng study namin. Tas ayun, we decided na ipagpatuloy na lang namin yung paggawa sa bahay. Pero hindi overnight. Uuwi din sila after. Tapos si Ron, umuwi na! O diba kalalakeng tao, ayaw umuwi ng gabi. Tsk! Hanggang sa inumaga na sila ate sai ng pag-uwi dahil sa super daming gawain.

March 10, 2012
Defense naaaa!!! Grabe sobrang kinakabahan ako lalo na't pangatlo kami sa magdedefense. Nag set-up pa kami ng mga gamit namin kasi syempre ita-try pa namin yung system e. Tapos yun, grabe!!! Yung 10 peso coin namin, ayaw basahin ng coin slot. Chambahan lang!! Nakakakaba. Lalo na kapag bumubukas yung pinto ng room. Baka kasi bigla na kaming tawagin e. Then, ayun naaa!! Kami na! Syemre pagpasok, todo smile sa panel. Nag-start ang presentation. Documents muna then ung system na. HALA!! Ayaw basahin yung coins namin. Nagulat kami, kinabahan pero hindi naman nataranta. Buti na lang at may GUI kami. Prepared e, sabi nga ng panel. HAHA. Hanggang sa gumana na yung coin slot. Ayun, everything went well and smooth naman. Ang cool nga ng usapan between the panel tska samin. Enjoy lang tsaka tanggap lang ng tanngap ng suggestions nila. Hanggang sa natapos na. Nakangiti ang panel, narinig ko pa na "Okay na, okay na sakin." Yaaaayyy!! Grabe ang sarap sa pakiramdam!! =)))))))))))

Congrats satin ate sai, joyda at babe ron (bading!!). Completion of suggestions na lang. JOB WELL DONE!! :)))))))

No comments:

Post a Comment